“Hey Girl”

 

Hey Girl!
Simula nung makilala ka,
Di’ mapaliwanag sa sarili,
Mundo ko ay nag-iba.

Hey Girl!
Simula nung makilala ka,
Ang araw-araw maganda,
Na puno ng kulay at saya.

Kaya salamat sa’yo,
Ang puso ko’y sayo lamang,
Sana wag kang malito,
Dahil hindi ako nagbibiro.

Hey Girl!
Ikaw lang ang aking iniibig,
Sa pagpikit at sa pagmulat ng mata,
Ikaw ang nasa isip.

Hey Girl!
Pinapangako ko sayo,
Ikaw lang ang nilalaman,
Ng puso kong ito.

Sana maniwala ka,
At wag magtataka
Kung bakit ako ganito.

Hey Girl.

Hey Girl [4x]

Hey Girl!
Hindi mo ba napapansin,
Na ako’y may tinatago,
Na lihim na pagtingin.

Hey Girl!
Hindi mo lang alam,
Kung gaano mo pinapakilig,
Ang puso kong ito.

Kaya salamat sa’yo,
Ang puso ko’y sayo lamang,
Sana wag kang malito,
Dahil hindi ako nagbibiro.

Sana maniwala ka,
At wag magtataka,
Kung bakit ako ganito.

Simula nung makilala ka,
Di mapaliwanag sa sarili,
Mundo ko ay nag-iba.

Hindi mo ba napapansin,
Na ko’y may tinatago,
Na lihim na pagtingin sayo.
Hey Girl [4x]

Simula nung makilala ka,
Di mapaliwanag sa sarili,
Mundo ko ay nag-iba. Hey Girl.

Disclaimer:

All lyrics are property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes and personal use only.